Mga Pagsasalin:
Ibang mga Pahina:
|
THIS PAGE HAS BEEN MOVED
If you are not redirected to its new location in a few seconds, please click here
DON'T FORGET TO UPDATE YOUR BOOKMARKS!
PAMAMALAKAD NA PINAHIHINTULUTAN ANG PAKIKILAHOK
Pagpapatakbo ng Isang Proyekto, NGO, Kagawaran o Samahan
isinalin ni Maria Cecilia Tan-Biana
Para kay Gert Lüdeking
Introduksyon sa Mga Modulo
Mga Kabilang na Dokumento Pakikilahok na Pamamahala Modulo
- Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok, mga paraan upang hikayatin ang mga tauhan na gumawa ng desisyon;
- Ang Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok ng mga Tao, higit pa sa yamang pang-ekonomiya;
- Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok, at Positibong Disposisyon, lahat tayo ay nagkakamali;
- Paggamit ng Paglalarawan ng Trabaho, pagpapatatag ng pamamalakad na pinahihintulutan
ang pakikilahok;
- Mga Pagpupulong ukol sa Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok, upang maiwasan ang mga reklamo;
- Taunang Pagsusuri, isang gamit sa pamamalakad na pinahihintulutan ang pakikilahok;
- Paghahanda ng Isang Plano, isang mahalagang bagay sa pamamalakad na pinahihintulutan ang pakikilahok
- Mga Pamamaraan ng Panghihikayat, palitan ang pamimintas ng pamamatnubay;
- Mga Tip Para sa mga Tagapamahala at Tagapagpakilos, mga pagtutulad sa pakikilahok.
Napakahalaga ng pamamalakad upang ipaubaya lamang sa mga tagapamahala.
Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok:
Layunin ng module na ito na makapagbigay ng gabay ukol sa pagtatayo ng mga sistema ng pamamalakad, lalung-lalo na para sa mga NGOs, tulong na proyekto, kagawaran at mga samahan.
Napapaloob sa module na ito ang iba't ibang pamamaraan upang hikayating makilahok ang mga tauhan sa pamamahala, ang pakinabang ng mga pamamaraang ito, at mga pagsasanay na kaugnay sa pagpapatindi ng pakikilahok na nabanggit.
Makikita sa buod ng pamamalakad na pinahihintulutan ang
pakikilahok ang ilang dahilan kung bakit kinakailangang hikayatin ng isang
tagapamalaha na makilahok ang mga tauhan tuwing nagaganap ang mga pagpupulong
ukol sa pamamalakad. Inilalarawan din sa buod ang ilang paraan na makatutulong
upang maisakatuparan ito, tulad ng pagbibigay-pansin sa mga saloobin
ng mga tauhan, at pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa isa't isa.
Ang
iba sa mga pamamaraang ito ay nakabukod sa kani-kanilang sariling dokumento
upang matalakay nang mas malalim. Kasama sa mga pamamaraang ito ang mga
pagpupulong
ukol sa pamamahala, paggamit ng mga
paglalarawan sa
trabaho, paghahanda ng isang plano ukol sa trabaho,positibong
disposisyon, panghihikayat, at taunang
pagsusuri. Dapat alalahanin na mas mahalaga ang kung papaano ginagamit
ang paglalarawan ng trabaho, sa pagsusuri, sa negosasyon, at pangongontrata,
kaysa sa mismong paglalarawan ng trabaho. Samantala, iminumungkahi naman
ng dokumento ukol sa pagpupulong ang radikal na pagpapalit ng sistema ng
pangangasiwa ng mga pagpupulong.
Ang module na ito
ay mayroong kaugnayan sa module ukol sa Pagsasanay
sa Pamamahala, na isang introduksyon sa pamamahala para doon sa mga
taong walang karanasan sa pamamahala.
––»«––
Mga Taong Nakilahok:
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 23.05.2011
|