Mga Isinalin:
Ibang mga Pahina:
|
THIS PAGE HAS BEEN MOVED
If you are not redirected to its new location in a few seconds, please click here
DON'T FORGET TO UPDATE YOUR BOOKMARKS!
DESINYO NG PROYEKTONG PANG-KOMUNIDAD
isinalin ni Ian L. Balansag
Introduksyon sa mga Modulo(Hub)
Mga dokumentong kasama sa Modulo Ukol sa Pagdesinyo ng Proyekto
Paano
ang isang grupo ng komunidad mag desinyo(magplano ng maigi) ng isang proyekto?
Ang
Desinyo ng Proyektong Pang-Komunidad:
Ito
ay ang resulta ng mga kilos ng isang tagapagkilos ng komunidad, pagkaisa ng ibat-ibang
pangkat, pagtatag ng isang mamumuno para itaguyod ang mga nais ng buong komunidad,
at para malaman ang problema at nina-nais ng buong komunidad, ang grupo ay nag nanais
na makagawa ng isang proyektong pang-komunidad.
Ang
proyekto ay isang puhunan sa (1) pagpatayo ng bagong pasilidad , (2) pagbabagong-tatag
ng mga luma at hindi na magamit na pasilidad, (3) pag ayos at pag aalaga sa mga pasilidad,
(4) pagbubuo ng mga bagong kapisanan para mag patuloy sa mga ginagawa , (5) pagtaas
ng kaalaman sa mga bagay na nasa komunidad, (6) pagpapabuti ng mga nakagawiang ugali
sa mga miyembro ng komunidad (eg pagpahalaga sa kalusugan), (7) paggawa at pagpasa
ng mga bagong batas, regulasyon at patnubay (eg para sa kasera at nag-uupa), o (8)
pagbabago sa mga batas na umiiral.
Ang
Proyekto na ito ang kailangan ng desinyo. Ano ang pagdesinyo ng proyekto?
Ang
pag desinyo ng proyekto ay isang pormalidad, kung maaari ay isulat sa papel ang buong
proyekto, kung paano at bakit ito kailangan ma-isagawa. Ang pagdesinyo ng proyekto
ay dapat magpakita ng mabuting pagpaplano at pagpangasiwa ng maayos. Ang dapat maisalaman
nito ay ang pagsama sa diwa ng apat na batayan o
importanteng
tanong sa pagpangasiwa at
kanikanilang sagot, o ang mga naihanda na mga desisyon na galing sa Pag-aaral na
sesyon. Gawa galing sa paraan ng pagpili, kasama na rin sa desinyo ang mga kailangan
detalye sa oras, badyet, mga gawain, at ibang paraan kung paano at bakit ito ay kailangan
matapos.
Ang
maayos na pag desinyo ng proyekto ay kasama na dito ang pagbabantay sa mga kilos,
pag ulat ng mga resulta. Kasama na rin dito ang hindi inaasahang kalalabasan, at
ang paraan kung paano tayahin ang kalalabasan at resulta nito. Pero ang pag desinyo
ng proyekto, parang isang plano, hindi ito kagaya ng skedyol o badyet, pero ang magandang
pag desinyo ng proyekto ay may kasamang skedyol at badyet, at ang sentro argumento
nito (o teksto) ay ang pagbigay hustipikasyon sa skedyol at badyet.
Ang
mga pangsanay na dokumentong kasama dito sa modulo ay mga pangsanay na kwadirno,manwal
ng pagsasanay, at mga kwadirno ng sasali sa paghahanda ng isang desinyo ng proyektong
pang-komunidad.
Ang
kahalagahan nito ay ang desinyo hindi hinahanda ng sinomang nasa labas ng komunidad,
o kahit anong pangkat na nasa komunidad, kundi ang boung komunidad dapat.
Ang
trabaho ng isang tagapagkilos ay magpalakas ng loob at patnubayan ang komunidad sa
paghahanda ng isang desinyo ng proyekto na ang iba ay makakaalahok, may obserbasyon
na magkatotoo, at ito ay praktikal at simpleng ayos na maiintindihan ng lahat ng
miyembro ng kominidad.
Kahit
may nagkapatongpatong na mga modulo , ang isang ito ay nag tutungo sa Pagsasanay
ng mga Tagapangasiwa,
ang Pag-aaral,
at ang Pagkukunan
ng Komunidad modulo.
––»«––
Pagtitipon
sa mga tagapangasiwa ng komunidad; Pagdesisyon
sa mga kinakailangan:
Kung
kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot at ilagay ang
link na www.scn.org/cmp/
Ang
hindi paglaban ay siyang dahilan kung bakit ang mga ilog ay nabubo at bakit ang
ilang mga tao ay nagiging mga mandaraya.
© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 2011.05.20
|